1 Corinto
KAPITULO 1
I. Pambungad—Ang mga Panimulang Kaloob
at ang Pakikibahagi kay Kristo
1:1-9
1 Si Pablo, isang 1tinawag na apostol ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng 2kalooban ng Diyos, at si 3Sostenes na kapatid,
2 Sa 1ekklesia ng Diyos na 2nasa Corinto, samakatuwid ay 3sa mga 4pinaging-banal 5kay Kristo Hesus, na 6tinawag na mga banal, 7kasama ang lahat ng mga 8nagsisitawag sa bawa’t dako sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na 9kanila at atin:
3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
4 Nagpapasalamat akong lagi sa Diyos tungkol sa inyo 1dahil sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa inyo sa loob ni Kristo Hesus,
5 Na kayo ay pinayaman sa Kanya sa lahat ng mga bagay, sa lahat ng 1pananalita at sa lahat ng kaalaman,
6 Gaya nang pinagtibay 1sa inyo ang 2patotoo ni Kristo,
7 Anupa’t kayo ay hindi nagkulang sa anumang 1kaloob, na nagsisipaghintay ng 2paghahayag ng ating Panginoong Hesu-Kristo,
8 Na 1Siya namang 2magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapag-wikaan sa 3kaarawan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
9 Ang 1Diyos ay tapat, na sa pamamagitan Niya ay tinawag kayo sa 2pakikisalamuha sa Kanyang Anak na si Hesu-Kristo na Panginoon natin.
II. Tinutuos ang ukol sa Pagkakabaha-bahagi
1:10-4:21
A. Si Kristo at ang Kanyang Krus, ang Namumukod-tanging Kalutasan sa Lahat ng mga Suliranin sa loob ng Ekklesia
1:10-31
1. Si Kristo, Hindi Nabaha-bahagi
bb. 10-17
10 Ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng 1pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kayong lahat ay 2mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga 3pagkakabaha-bahagi, kundi kayo ay 4mangagkatugma sa isa lamang kaisipan at isa lamang 5kuru-kuro.
11 Sapagka’t ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasambahay ni Cloe, na sa inyo ay may mga pagtatalu-talo.
12 Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa’t isa sa inyo ay nagsasabi, 1Ako ay kay Pablo, at ako ay kay Apolos, at ako ay kay Cefas, at 2ako ay kay Kristo.
13 Nababahagi ba si 1Kristo? 2Ipinako ba sa krus si Pablo dahil sa inyo? O binautismuhan ba kayo tungo sa pangalan ni Pablo?
14 Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi ko binautismuhan ang sinuman sa inyo maliban kina Crispo at Gayo,
15 Upang walang makapagsabi na kayo ay binautismuhan tungo sa loob ng aking pangalan.
16 At binautismuhan ko rin naman ang sambahayan ni Estefanas; maliban sa kanila, hindi ko alam kung may nabautismuhan pa akong iba.
17 Sapagka’t hindi ako 1isinugo ni Kristo upang magbautismo, kundi upang magpahayag ng ebanghelyo, hindi sa 2pananalitang batay sa karunungan, upang ang 3krus ni Kristo ay hindi mawalan ng kabuluhan.
2. Si Kristong Ipinako sa Krus,
ang Kapangyarihan ng Diyos at ang Karunungan ng Diyos
bb. 18-25
18 Sapagka’t ang 1salita ng krus sa kanila na nangapapahamak ay kamangmangan, nguni’t sa atin na nangaliligtas ito ay kapangyarihan ng Diyos.
19 Sapagka’t nasusulat, Sisirain Ko ang karunungan ng marurunong, at gagawin Kong walang kabuluhan ang pagkaunawa ng 1may-maingat-na katalinuhan.
20 Saan naroroon ang marunong? Saan naroroon ang 1eskriba? Saan naroroon ang debatista ng kapanahunang ito? Hindi ba ginawa ng Diyos na kamangmangan ang karunungan ng sanlibutan?
21 Sapagka’t yamang, sa karunungan ng Diyos, hindi nakilala ng sanlibutan ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang karunungan, 1kinalugdan ng Diyos na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng 2pagpapahayag.
22 Yamang ang mga Hudyo nga ay nagsisihingi ng mga 1tanda, at ang mga Griyego ay nagsisihanap ng 1karunungan,
23 Datapuwa’t ang aming ipinapahayag ay ang Kristo na 1naipako-sa-krus, na sa mga Hudyo ay katitisuran, at sa mga Hentil ay kamangmangan,
24 Nguni’t sa 1kanila na mga tinawag, maging mga Hudyo at mga Griyego, si Kristo ang 2kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.
25 Sapagka’t ang kamangmangan ng Diyos ay higit na marunong kaysa sa mga tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa sa mga tao.
3. Si Kristo, Ating Karunungan:
Katuwiran, Pagpapabanal, at Katubusan
bb. 26-31
26 Sapagka’t masdan ninyo ang inyong pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming makapangyarihan, hindi ang maraming 1mahal na tao ang mga tinawag.
27 Kundi 1pinili ng Diyos ang mga mangmang ng sanlibutan upang hiyain Niya ang marurunong, at pinili ng Diyos ang mahihina ng sanlibutan upang hiyain Niya ang malalakas,
28 At ang 1mabababang tao ng sanlibutan at ang mga 2hamak ang pinili ng Diyos, ang mga 3bagay na 4walang halaga, upang Kanyang 5maiuwi sa wala ang mga 6bagay na mahahalaga,
29 1Upang ang lahat ng sa laman ay hindi makapagmapuri sa harapan ng Diyos.
30 1Datapuwa’ t sa 2Kanya kayo ay nangasa kay Kristo Hesus, na sa atin ay naging karunungang mula sa Diyos: 3katuwiran at pagpapabanal at katubusan;
31 Na ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri ay hayaang magmapuri sa Panginoon.